Friday, December 3, 2010

Love at First Sight.. :)

ahmmm... share ko lng.. ngyare toh nung september 21 2010.. haha!

mga 10am.. nag online ako sa FB... nung wala na akong magawa.. tumungin ako sa chat box ko.. at may nakita akong isang babae na nag ngangalang Jonnalyn Soriano.. nung una.. tinatamad pa ako na mag chat.. pero sobrang wala na ako magawa.. pniem ko sya.. sabi ko.. (good morning ate) tapos nag reply naman.. sabi nya.. (good morning din) tapos.. sinabi ko na (pwede ba tayo mag chat?) pero di na sya nag reply... nung pa out na ako.. sabi ko sa kanya.. (cge ate pa out na ako.. punta na lng ako ng SM north) tapos sabi nya.. (ano gagawin mo dun?) sabi ko.. (mag lalaro lng ng DDR and arcade) tapos tinanung ko sa kanya kung pwde sya... and then ang sabi nya.. (oo pwde ako) so niyaya ko na sya na mag meet kame.. pinag usapan namen na mag kikita kame sa Jackman (1am)

at lumipas na nga ang 1am... andun na ako sa Jackman pero wala pa sya... kaya nag ikot2 muna ako sa NorthMall.. at nung pag balik ko sa Jackman.. nakita ko na sya... (nahihiya pa nga ako kasi pang bahay lng suot ko ee) haha! tapos.. ayon.. habang pumupunta sa sakayan ng jeep.. usap usap muna...

tapos nung nasa jeep kame.. ayun na.. parang may iba akong nararamdaman.. tapos.. tinanung ko sya... (san ka ba nakatira) sabi nya (alam mo ung m.hizon?) sabi ko.. ( e dun din ako nakatira ee) so usap usap ulet about sa mga kakilala namen sa m.hizon.. (kilala nya nga ung kumapare kong kinasal ee) tapos.. habang nag uusap.. pasimple akong tumingin sa muka nya.. at ayon na nga... un na pla ung nararamdaman ko kanina pa... un na nga ang tinatawag na Love at First Sight... hahaha!

so nung nasa SM north na kame.. una nameng pinuntahan sa Quantum... nag laro kame ng Basketball.. and then nag arcade ako... tapos nung nakaramdam ako ng gutom.. kumaen kame sa Mcdo.. dapat nga sa Jolibee.. kaso ayaw nya dun... eto ang nakakainis.. nung pag tingin ko sa bulsa ko... My Gahd! 160 lng ang laman ng bulsa ko... haha! so tinipid ko na lng sarili ko.. McFloat lng ang kinain ko... tapos nameng kumaen.. nag ikot2 kame.. at napunta kame sa BearHugs..

may nakita syang ungoy na StuffToy.. nung nakita ko sya na tinitignan nya yon.. napaisap ako na.. (gux2 nya pala yon.. di bale.. nxt tym na magkapera ulet ako at gumala kame.. ibibili ko sya nun) so ikot ikot na naman.. hanggang sa napunta kame sa Landmark (food court) tapos.. nag stay muna kame dun at kwentuhan ulet.. ayon.. pasimpleng tingin ulet sa muka nya kasi nahihiya tlga ako.. pero nung may napag usapan kame na masaya... nawala hiya ko sa kanya.. hanggang sa nag simula nga na naman ang pagka kaba ko.. :) kasi feeling ko.. inlove na talaga ako sa kanya.. lalo na ung ngumiti pa sya saken.. may gahd.. nag blush ako (kahit hinde halata.. haha!)

so nung sinabi nya na (tara alis na tayo) bigla akong nalungkot.. (kasi ang akala ko hiwalay kameng sasakay) pero nung sinabi nya na sabay na kame.. natuwa ulet ako.. :) at dun na nga.. nung nakababa na kame sa jeep.. pumunta pa sya sa Victory Mall.. pero nung malapit na kame magkahiwalay... napakaganda ng narinig ko sa kanya. (salamat ah!) dun pa lng masaya na ako.. :)


So ayan aa.. nag share na naman ako.. haha! wag kayo makornihan pag nabasa nyo toh aa.. hahaha! Salamat! :)

No comments:

Post a Comment